Nagkakaisang NDMC sa Pamamagitan ng Misa at Panalangin

Written by: 
Regina Student Publication

Taimtim na Ipinagdiwang ng Notre Dame of Midsayap College ang Eucharistic Mass Celebration sa buwan ng Disyembre, ngayong araw, ikalawang araw ng Disyembre taong 2022, 

Ipinagdasal ang mga piling mag-aaral sa kursong Bachelor of Science Criminology na sasabak sa kanilang board exam sa paparating na December 4, 5, at 6. Kasama na rin sa panalangin ang paparating na PAASCU Visit. 

Ito ay sinimulan ng mga IBED students at sinundan naman ito kaninang alas nuwebe ng umaga ng misa para sa kolehiyo na pinangunahan ni Fr. Jay Virador, OMI. 

Matapos ipahayag ni Fr. Jay ang magandang balita, sinundan niya ito ng pagbibigay ng magandang mensahe para sa mga mag-aaral at sa mga piling mag-aaral na kukuha ng pagsusulit. 

Matapos ang nakasanayang misa, ipinagdasal ng NDMC, sa pamamagitan ng pagbabasbas, ang mga piling mag-aaral na kukuha ng pagsusulit upang magabayan at mapagtagumpayan ng bawat estudyante ang minimitihing pasadong marka para sa kanilang kinabukasan.

 
 

CTTO : Regina Student Publication