NDMC IBED, Ipinagdiwang ang Buwan ng Wika 2025

Written by: 
Bai Sarah Abdullah
NDMC IBED, Ipinagdiwang ang Buwan ng Wika 2025
Ipinagdiwang ng Junior High School Department ng Notre Dame of Midsayap College ang Buwan ng Wika noong Agosto 22, 2025, sa Student Lounge, ganap na alas-7:00 ng umaga, na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”
Ang programa ay nahati sa dalawang bahagi. Sa unang bahagi, isinagawa ang paghuhusga sa patimpalak na Traditional Filipino Attire Making, kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang malikhaing gawang kasuotan mula sa katutubong materyales.
Sinundan ito ng Pormal na Programa na binuksan sa pamamagitan ng panalangin, pagkanta ng Lupang Hinirang, Midsayap Hymn, at Notre Dame March. Nagbigay ng pambungad na pananalita si Bb. Charlene P. Muyco, Bise-Presidente ng Filipino Club, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng paggamit at pagmamahal sa sariling wika.
Isinagawa rin ang iba’t ibang paligsahan sa sayaw gaya ng kontemporaryo, etniko, retro, at novelty dance na nagbigay-kulay at sigla sa selebrasyon. Naghandog din ng intermission number ang mga opisyal at miyembro ng Illustrados Club.
Pagkatapos ng mga pagtatanghal, ipinagkaloob ang mga sertipiko sa mga hurado at ang mga gantimpala sa mga nagwagi. Binigyang-diin naman ni Bb. Rialyn V. Cabaya, guro sa Filipino, sa kanyang pampinid na pananalita ang kahalagahan ng wika bilang susi sa pagkakaisa ng bansa.
Ang buong programa ay pinamunuan ng mga tagapagdaloy na sina Jowelle Astrid Hailena V. Tope at Ayannah Yzabelle D. David.
 
 

CTTO : Regina Student Publication

Date: August 22, 2025